THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Monday, June 29, 2009

Family Rosary Crusade General Assembly


6th FRC General Assembly
June 13,2009
Lay Force Chapel
San Carlos Pastoral Formation Center
EDSA, Guadalupe, Makati

theme: "The Family That Prays Together Stays Together
The Filipino Family Challenging the 3rd Millenium"



Eto po yung unang punta ko sa FRC General Assembly na ginanap sa EDSA Guadalupe Makati. Naging masaya po ung experience ko na to nakatanggap ako ng kit na naglalaman sa loob ng mga magazines ng "kerygma" and mga tapes ni Fr.Patrick Peyton . Sayang lang kasi wala kaming radio casset para mapakinggan ko iyon.. kasama ko sila Mama , Ate Daquis , Kuya Paulo , Kuya Raffy , Kuya Duroy , Kuya James , Vismart , Kuya Philip at Kuya Randolf.

Pagdating namin dun sa Layforce Chapel agad kaming nag register at agad namin inayos ung mga bulaklak para gamitin sa Altar . Nagmamadali na kami kasi mag sisimula na ung programa, mga 30mins ata namin inayos yun at sa wakas naayos din .. pagkatapos nun nag pahinga muna kami nila Kuya Raffy sandali at nag kape, pagkatapos ay napatawag kami sa isang sandaling meeting upang maayos kung paanong proseso ang gagawin para sa mga breaks .. naatasan ung iba na pumunta sa canteen para ayusin na ang mga pagkain , tumulong na ako para mas mapabilis ang proseso , nakalipas ang ilang minuto ay nagbaba-baan na ang mga tao at unti-unti na kaming natataranta .. napaka daming tao , kaylangan higpitan ang pag bibigay ng pagkain dahil bilang ang mga ito at ang mga tao . dumami ang tumulong samin kaya medyo umayos ayos na ang pagkuha ng pagkain ng mga bisita .. ilang minuto ang nakalipas ay umaakyat na din sila .. naiwan kami upang mag-ayos ng mga napagkainan nila at pagkatpos nun ay umakyat na kami para makinig ng sa programa , naabutan namin ang talk ni Sr.Versosa "Si Ate , Si Kuya , Si Nanay at Si Tatay" Pro-Life din si Sister kaya napag-usapan din doon ang ilegal na pag papalaglag ng bata , nagpakita ng video kung saan makikita ang proseso kung paano nagaganap ang Abortion .. lubhang nakakaawa ang mga walang malay na bata na ipinapapatay ng kanilang mga sariling magulang .. Sumunod ang talk ni Bro. Bernard Canabal "Media: Ang Bagong Altar ng Pamilya" napakaganda at napaka galing nya magbahagi .. nakakalungkot lang dahil nawala ung mga ti-nake down notes ko , nawala kasi yung kit ni Kuya Raf ., nanghinayang talaga ako .. pagkatapos nun ang Talk naman ni Fr.Castro , di ko napakinggan ang talk nya dahil nasa canteen na kami non para mag ayos naman ng tanghalian ng mga bisita , ilang minuto ang lumipas ay nag si-babaan na ulit ang mga bisita at unti-unti nanaman kaming natataranta , at sa awa ng Dyos naging maayos naman ulit ang pag bibigay ng mga pagkain ..Pagkatapos ng tanghalian ay di na muna kami umakyat , nanatili kami nalang kami sa canteen para makag pahinga at makapag praktis para sa nalalapit na Banal na Misa .. ilang oras ang nakalipas ay nag si-babaan nanaman ang mga tao upang mag break , at habang naghaganap ang pag mi-miryenda nila nakita ko si Bishop Gabriel gusto ko sanang mag mano kaya lang nauna ang pagkamahiyain ko ..tapos may pinasukan kami ni KUya Randolf na pinto papuntang seminaryo , nag picture picture , ang ganda sa loob grabe , napaka peaceful ng lugar ang sarap mag stay :) ilang oras ulit ang nakalipas oras na para sa banal na misa na pangungunahan ni Rev. Bishop Gabriel kasama sina Fr.Roque at Fr.Zenki , ngunit si Fr.Zenki ay hindi dumating kaya may isang pumalit sa kanya .. Pagkatapos ng misa nag picture taking na kami , nagpa picture din kami kila Bro.Bernard , Fr.Roque at Bishop Gabriel .. pagkatapos ay nag si-uwian na kami .. pero kami nila Kuya Pau ay pumunta pa sa SM para bumili ng makakain at pagsaluhan sa aming bahay .. Naging maganda naman ang experience ko sa pag punta ko sa Assembly na iyon , at mananatili sa isip at puso ko ang aking mga natutunan sa mga narinig kong talks , sana ay may susunod na Assembly ulit at mas marami pa akong matutunan :)

0 comments: